Ni Pastor Apollo C. Quiboloy
Marami ang nagtanong sa akin kung paano maging isang Kingdom Citizen. Upang maging isang Kingdom Citizen, una sa lahat, kailangan ninyong makinig sa mensahe ng Hinirang na Anak. Makinig sa aking mensahe dahil ito ang tunay na kaligtasan at dito natatagpuan ang tunay na Jesus Christ. At dito matatagpuan ang tunay na Salita ni Jesus Christ.
Kaya tinawag Niya ako sa layuning ito na ang katotohanan ng Kanyang Salita ay maibalik sa kabuuan nito patungo sa kadalisayan at katapatan, at kasimplehan ng Salita ng Dakilang Ama. Sa mga puso ng sangkatauhan, lalaki at babae na tinawag at pinili at pagkatapos ay naging matapat sa kanilang serbisyo at sa huli ay naging mga anak na lalaki at anak na babae ng Dakilang Ama.
ANG PAGBABAKA SA LANGIT
Ang Bansang Kaharian ay ang Kahariang itinayo at itinatag ng Dakilang Ama sa huling mga araw. Kagaya ng pagliwanag ko sa mga gawa ng kaaway sa paglilinlang sa tao. Ito ay nagsimula nang ako ay tinawag ng Ama at paganahin ang ministeryo na iyon sa buhay ng Kanyang Hinirang na Anak. Upang ang tunay na mensahe ay madala sa mga tao sa buong mundo. Ito ay tunay na espirituwal na gawain dahil ang Panginoon ay isang espiritu. Walang sinumang nakakakita kay Lucifer dahil siya ay espiritu din at ito ay ang labanan ng mabuti at masama ngayon sa mundong ito. Ito ay nagsimula sa Pahayag 12.
Pahayag 12: 7-12: “At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka; At hindi sila nanganalo, ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit. At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumaya sa buong sanglibutan; siya’y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya. At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, na nagsasabi, Ngayo’y dumating ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating Dios, at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo: sapagka’t inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila’y nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabi. At siya’y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan. Kaya’t mangagalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan. Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagka’t ang diablo’y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.”
Tingnan natin ang Salita ng Panginoon, sa bawat talata. “At nagkaroon ng pagbabaka sa langit:…”Akala niyo ba ang langit ay isang lugar lamang kung saan mayroong kapayapaan, at doon ay tahimik? Kung saan naroon ang Panginoon noon, may kunting kaibahan sa anumang pinaniniwalaan ninyo sa langit. Nalalaman ba ninyo ang komposisyon ng langit kung saan ang Panginoon? Ang Kanyang Kalooban ay naganap doon. Kaniyang nilikha ang mga espiritu, Kanyang nilikha ang mga anghel at isa sa mga buhay na anghel ay si Lucifer, Michael, Gabriel, Jeruiel at marami mga arkanghel, mas mababang mga arkanghel. Ngunit ang pinakakilalang mga arkanghel ay sina Michael, Gabriel at Lucifer.
KALAYAAN SA PAGPILI
Meron silang sariling kalayaan sa pagpili. Kahit sila ay nilikha ng Ama, sila ay mga nilikhang mga espiritu ng Ama. Ngunit sila ay binigyan ng pagpili, kalayaan ng pagpili katulad ng sa inyo at sa akin. Tayo ay nilikha ng Ama. Meron ba kayong kalayaan sa pagpili? Kaya lahat ng inyong ginawa, meron kayong pagpili. Kung pupunta kayo ng McDonald’s, bakit pupunta kayo sa may counter at titingin sa menu? Bakit? Dahil kayo ay namimili. Hamburger, cheeseburger, chicken nuggets, o plain ice cream. Gumawa kayo ng pagpili at sa bawat pagpili na ginawa ninyo, kayo ay nagbabayad. Tama? Nagbabayad kayo. Sinabi ninyong, “May malaking sakripisyo dito sa Kaharian nang ako ay gumawa ng pagpili dito.” Paano ang mundo? Piliin ang mundo kung ayaw ninyong gumawa rin ng malaking sakripisyo. Lalong nakakasakripisyo ang paggawa ng pagpili sa pagsunod kay Satanas sa mundo dahil lahat ng mga demonyo ay naroroon at sila ay makipaglaban sa inyo. Kapag kayo ay mahina, sawimpalad kayo. Mga malalaking demonyo lamang doon ang mangingibabaw sa inyo.
HALAGA NG PAGSUNOD SA HINIRANG NA ANAK
Dito sa Kaharian, magbabayad kayo kapag kayo ay pumasok. Ano ang halagang ibabayad? Ang inyong lumang buhay at kapag nauunawaan lamang ninyo ang espirituwalidad, kapag kayo ay nagbabayad, ang halaga ng pagsunod sa Hinirang na Anak ay bayaran ito ng sarili ninyong buhay. At mauunawaan ninyo at kayo ay maliwanagan. Pasasalamatan ninyo ang Ama pagkatapos niyan dahil tinapon ninyo ang lumang basahan. Ang lumang buhay ay walang halaga sa paningin ng Ama. At kayo ay bibigyan ng bagong buhay.
“At nagkaroon ng pagbabaka sa langit:…(Pahayag 12:7)” pinili ni Lucifer na makipagdigma laban sa lumikha sa kanya. Dahil sa kaalaman na binigay ng Panginoon sa kanya at siya ay ginawang kanang kamay ng Panginoon. Halos kanang kamay ng Ama, halos pinagkakatiwalaang buo na arkanghel. Isipin ninyo pagkakatiwalaan sa bundok ng Panginoon. Nalalaman ninyong ang langit ay isang malaking planeta. Akala ba ninyo ang langit ay tumutungo sa himpapawid, sa estratospera, patungo sa hemisperyo at pagkatapos ay lulutang na walang gravity? Magdadala ng mga gitara at kakanta ng halleluiah sa Kanya? Hindi iyan ang langit. Ang Langit ay isang ding lugar kagaya ng planetang Earth. Ito lamang ay isang napakaganda. Hindi ko ito maisalarawan. At ang mga residente sa langit, una sa lahat, ay mga anghel, sa ilalim ng mga heneral, at mga arkanghel. Kagaya ng ranggo ni Sister Ingrid, Teng, sila ay mga arkanghel dito sa Kaharian ng Langit sa Lupa na may katawan. Kaya kayo na nabinyagan at naisilang muli sa espiritu, ang malaanghel na espiritu ang aangkin sa inyo. Kapag hindi kayo naisilang muli sa espiritu dito, at walang mga anghel sa langit na aangkin sa inyo, meron ibang aangkin sa inyo. At kayo ay naangkin na sa panahong kayo ay isinilang mula sa sinapupunan ng inyong ina. Dahil lahat ng mga isinilang ay inangkin ni Satanas. “Ah, iyan ang aking apo, dahil nalinlang ko ang kanyang ama at ang kanyang ama ay naniwala sa akin. Ngayon akin kayo.” Hindi ninyo ito nalalaman. Kaya meron kayong mga espiritu sa pagkamatigas ang ulo at masuwayin sa loob ninyo. Iyan ay nagmula sa inyong ama sa espiritu na si Satan Lucifer ang demonyo.
Itutuloy