Walang balak si Anne Curtis na talikuran ang showbiz kahit pa nalalapit na siyang maging misis ng fiance na si Erwan Heusaff.
Wala daw kasi sa personality ni Anne na mag-stay lang sa bahay.
Tiniyak rin ng tv host-actress na maliban sa kaniyang apelyido ay walang magiging pagbabago sa kaniya kapag kasal na siya.
Wala pa rin daw sa plano nila ng soon-to-be husband na magka-baby dahil mas gusto muna nilang mag-travel nang mag-travel pagkatapos ng kanilang wedding.