(Si Professor Stuart Russell ng University of California, Berkeley sa Estados Unidos. Ayon sa kaniya, ang pagkakalikha ng LAWS o Lethal Autonomous Weapons System, isang artificial intelligence system, ay hindi makatao at malayo sa perpekto dahil hindi nito kayang iwasang madamay o mamatay ang mga inosenteng sibilyan.)
Ni: EZ G.
Karamihan ng mga bansa, hindi lamang sa mga maituturing na developed countries na, ang mga umuunlad na bansa tulad ng Pilipinas, Cambodia at Indonesia sa Asya, at ilan pang bansa sa ibang panig ng mundo, at sa mga paunlad pa lamang na bansa, lahat ay tinatamasa ang mabilis na usad ng teknolohiya.
Makikita ito sa mga magagarang sasakyan, pabago-bagong modelo ng cellphones na halos araw-araw ay inilalabas ng mga kumpanyang gumagawa nito. Ang pabilis nang pabilis na Internet, ang wi-fi connection, at madami pang iba. Lahat nang ito, iisa ang hangarin kung bakit sila ginawa o nalikha—upang gumaan ang buhay ng tao at mga gawain niya sa araw-araw.
Isa sa likhang ito ay ang AI o mas kilala bilang Artificial Intelligence. Ito ang inilikha ng mga tao na kakayanang ibinigay sa mga computer systems na gayahin ang mga nagagawa ng tao, tulad ng makapag-isip ng sarili niya maliban sa makapag-compute, ang visual perception, speech recognition, decision making at language translation. Sa madaling salita, mag-asta o mag-isip na parang tao ang isang computer o computer system.
Gaya ng mga cellphone, ang AI ay pataas nang pataas ang antas ng kakayanan nito. Parang tao, nadaragdagan ang karunungan nito at ang kalidad nito pagdating sa learning at problem solving.
May panganib din sa paglikha ng AIs
Subalit nito lamang ilang taong dumaan, naging matunog ang usap-usapang maaaring may dulot na malaking problemang kinakaharap ang nalikhang Artificial Intelligence. Ang kinakatakutan ng ilang eksperto, ay malagpasan ng AI ang karunungan ng tao at lumaban o maghimagsik na ito laban sa naglikha rito.
May mga ilang science fiction movies na gawa ng ibang bansa lalo na sa Hollywood kung saan ang istorya ay lumalaban o nagrerebelde na ang ilang robots o machines, mga AIs na tinatalo at sinasakop ang sankatauhan. Sabi ng iba, ang mga pelikulang ito ay maaaring hindi purong science fiction, at ito ay unti-unti nang nangyayari.
“Artificial General Intelligence has the potential to make humans irrelevant,” pahayag ni Elon Musk, founder ng SpaceX at Tesla, nang magsalita siya bilang panauhin sa 2017 World Government Summit, na ginanap sa Dubai.
“Humans are limited by the speed of which they transmit data. You must be able to propose a high bandwidth connection to the human brain that would allow us to transmit digital information faster than the current fastest method we have, which is typing. Integration with technology is necessary to make the next step to avoid this.” Dagdag pa ni Musk.
Marahil marami sa atin ang nakakaalam lamang na ang Artificial Intelligence na tinatawag ay ‘yung mga computerized robots na natutong mag-isip para sa sarili niya tulad sa science fiction movie na ‘I, Robot’ ni Will Smith at sa pelikulang ‘Prometheus’ kung saan gumanap si Michael Fassbender bilang ‘David,’ isang AI robot-researcher.
Hindi ito malayong mangyari sa katotohanan. Kamakailan lang ay kinailagangang i-shutdown ng Facebook ang dalawa nitong chotbots nang magsimula itong mag-usap sa isa’t isa na walang human intervention at gamit ang lenggwaheng sila lang din ang may likha.
Sa kabilang banda, madami din namang mga halimbawa ang AI na hindi batid ng karamihan, tulad ng search algorithms ng Google, ang Watson ng IBM at mga locking-system ng mga pribadong building na may voice-recognition system, ay mga halimbawa rin ng Artificial Intelligence.
Pero bakit kahit malaki ang benepisyong nagagawa ng AIs ay pinangambahan ang pagkakagawa nito?
Kahit ang British na si Steven Hawking, isang batikang physicist at tinuturing na isa sa pinaka-matalinong tao sa buong mundo, ay nangangamba sa dulot na panganib nito. Aniya, “the development of full artificial intelligence could spell the end of the human race,” pahayag ni Hawking sa British Broadcasting News.
“It would take off on its own, and re-design itself at an ever increasing rate. Humans, who are limited by slow biological evolution, couldn’t compete, and would be superseded.” Dagdag pa ni Hawking.
Sambit naman ng isang propesor ng University of California-Berkeley na si Stuart Russel, “The field is progressing very rapidly right now, there are things happening that 10 years ago we would have say ‘no, there’s no way we’ll gonna do that far long in ten years time.”
Tiwala pa din sa Artificial Intelligence
Ang sagot naman ng ibang eksperto, malayo pa sa katotohanang malalagpasan ng AI ang kakayanang ng mga tao.
Sabi ni Rollo Carpenter, creator of Cleverbot, “I believe we will remain in charge of the technology for a decently long time and the potential of it to solve many of the world problems will be realized.” Aniya, hindi pa natin lubos na malalaman kung ano ang mangyayari sakaling lagpasan ng mga AIs ang dunong ng mga tao. “So we cannot know if we will be infinitely helped by it, or ignored by it and sidelined, or conceivably destroyed by it,” patapos niyang pahayag. Subalit buo ang kaniyang loob at paniniwala na positibo ang magiging resulta nito, kung sakaling mangyari man ito. Ganito din ang paniniwala ng nakararami.
Tiwala pa rin ang nakararami na ang taong lumikha ang siyang ding may solusyon sa mga AIs na mas lalong maging positibo ang silbi sa sangkatauhan. Nilikha ang mga ganitong teknolohiya upang tulungan ang mga taong gumaang ang pamumuhay at umayos ang seguridad sa lipunan—segurado na madami ang nag-aaral nang mabuti para mapaganda pa ang mga serbisyong ginagawa ng mga AIs.