Nagkaisa ang mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations na isulong ang breastfeeding upang masugpo ang problema sa malnutrisyon.
Sa pagsisimula ng 2017 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) breastfeeding forum na may temang ASEAN Ugnayan: One Community Protecting, Promoting and Supporting Breastfeeding”.
Nabatid na ang gatas ng ina ay mainam na proteksiyon sa mga batang may sakit at nilalabanan nito ang impeksyon sa bituka. Gayundin ang batang dumede ng gatas ng ina sa loob ng 6 na buwan ay makakaiwas magkaroon ng diabetes, eczema, obesity at iba’t ibang sakit kapag matanda.
Inirerekomenda ng World Health Organization ng United Nations (WHO-UN) ang pagpapasuso ng nanay sa unang anim na buwan ng sanggol na may kaakibat ang sapat at tamang nutrisyon at karampatang pagkain at kahit hanggang dalawang taong gulang ay maari pang pasususuhin ang bata kahit kumakain na ng solid na pagkain.
Base sa national nutrition survey noong 2015, nasa 24.7 percent lamang na mga sanggol na nasa anim na buwan ang napapasuso ng kanilang nanay.
Target ng DOH na gawing 50 percent pagdating ng 2025.