Humingi ng tulong sa Facebook ang isang babae sa New Hampshire sa pinapaliguan nitong swimming pool matapos na mabali ang hagdan at nahirapan maiahon ang sarili mula sa swimming pool.
Dahil walang naiwang tao sa bahay, walang mahingan ng tulong ang 60-taong na si Leslie Khan, naiwan sa loob ng bahay ang cellphone nito.
Mabuti na lamang at nasa isang upuan malapit sa kinaroroonan ni Khan ang kaniyang iPad. Gamit ang isang pole, nahila nito ang upuan papalapit sa pool. Nakapag-post si Khan sa isang community Facebook page para humingi ng tulong na agad namang natugunan.