Binahagi ng isang Twitter user ang kuwento ng pagkakalito ng ina nito nang makita ang isang kulay kayumangging bag na sa una ay napagkamalang natutulog na dachshund.
Sinabi ni Hannah Murphy na tuwang-tuwa ang ina nito nang makita ang isang natutulog na aso malapit sa lamesa na kanilang pinagkainan sa labas ng isang restawran ngunit ng tiningnan niya ang tinuro ng ina, ito ay isang bag lamang na nakalapag sa paanan ng may-ari nito.
Humakot ang naturang tweet ng maraming komento at mga mensahe at larawan na may kaparehong kuwento kung saan napagkamalan ang mga bagay na aso.