Ni: D. Bellosillo
“Within the context of the Republic of the Philippines, there shall be a Bangsamoro country,” ito ang isa sa mariing pahayag ni Pangulong Rodrigo R. Duterte hinggil sa isinusulong na Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ayon sa pangulo, “the draft BBL embodies our shared aspirations of a peaceful, orderly and harmonious nation after decades of armed struggle and violence. We will come up with a constitutionally consistent legal instrument that will lay the foundation for establishing the real and lasting peace in Mindanao.”
Layunin ng Pangulo sa pagsusulong ng BBL ay ang makagawa ng unang hakbang tungo sa tuluyang pagputol sa matagal nang galit, kawalan ng tiwala at katarungan sa hanay ng mga kapatid na Moro, na nagdudulot naman ng matinding negatibong epekto sa buhay ng milyun-milyong Pinoy.
Ang panukalang BBL, aniya “puts into life and spirit the constitutional mandate provided in the 1987 constitution for the establishment a truly autonomous region in Muslim Mindanao,” kung saan itinataas nito ang pag-asa at determinasyon ng mamamayang sakop ng Bangsamoro habang pinalalakas nito ang ‘territorial integrity’ ng bansa.
MILF kumpiyansang matuloy ang BBL
Naniniwala ang liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ang draft Bangsamoro Basic Law (BBL) ay makakapasa sa Kongreso sakaling sertipikahan ito ng Pangulo bilang urgent.
Base sa nilagdaang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) noong 2014 sa pagitan ng pamahalaan at ng MILF, ang draft enabling law nito na isinulat naman ng binuong Bangsamoro Transition Commission (BTC) ay itinakdang isumite sa Pangulo nito pang Hulyo 17 ng taon. Ang BTC ay binubuo ng mga tao mula sa pamahalalan at mula sa rebeldeng moro.
Bilang dating chief peace negotiator ng MILF at miyembro ngayon ng BTS, umaasa naman si Mohagher Iqbal na tutuparin ng Pangulo ang ‘pangako’ nitong lupain para sa Bangsamoro sa Mindanao sa loob ng tatlong taon na base sa naging pahayag ni Digong sa isang okasyon sa Iligan City na aniya, “I’m not joking … On the third year [of my term], God willing, it will be there and you will see how we will build our country.”
Ang naturang pagsusulong ng panukalang batas ay bahagi naman ng pagpapatupad sa usapang pangkapayapaan na nilagdaan ng gobyerno ng Pilipinas at ng MILF noong Marso ng taong 2014.
Sa isang panayam kay MILF vice chair for political affairs Ghadzali Jaafar, ang naturang panukala na naglalaman ng 112-pahina, 18-artikulong dokumento, na para kina Senate President Aquilino Pimentel at Speaker Pantaleon Alvarez, ay sinabing ‘all systems go’ na para sa pagsusumite.
“We expect him (Pangulong Duterte) to make a categorical statement that he is certifying the BBL as urgent bill. Less than that would only bring back old memories when the previous BBL was never formally certified as urgent bill by President Aquino,” giit ng MILF leader.
“This version is less constitutionally objectionable” kaysa umano sa naunang draft ng BBL ayon sa mga taga-BTC, kumpara sa binuo noong panahon ng administrasyong Aquino sa gitna na rin ng trahedya ng Mamasapano massacre noong 2015.
“Unlike what they did in the last administration—when they tinkered with proposed BBL first—our recommendation is that as soon as the President receives it, he will turn it over to the Speaker of the House and the Senate President,” pahayag naman ni Presidential Adviser on the Peace Process, Secretary Jesus Dureza.
BBL naglalarawan ng Pederalismo
Ang BBL ay naglalarawan para sa panukalang Bangsamoro autonomous state sa rehiyon ng Mindanao, na isa ring katangian ng isang pederalismong uri ng pamahalaan na una nang isinusulong ng Pangulong Digong at mga kaalyado nito.
Dito umano ang Bangsamoro police force ay hiwalay na kinatawan mula sa Philippine National Police (PNP).
Kumpiyansa si BTC chair at MILF Vice Chair Ghazali Jaafar na tuluyan nang maaaprubahan ang isinusulong na BBL kumpara sa naunang binuo sa ilalim ng Aquino administration na kung saan ang ‘political climate’ sa kongreso ay hindi buo dahil na rin sa panahon ng kampanya para sa 2016 election.
“It polarized the country. But that is not the situation now. There is no campaigning now, this is not political season, and so therefore, there is no danger of again of polarizing the people,” ani Jaafar.
Sinundan pa ito noon ng madugong insidente sa Mamasapano sa Maguindanao, kung saan nagsagupa ang tropa ng MILF at Special Action Forces (SAF) na ikinamatay ng 44 sa tropa ng pamahalaan, na kaiba naman sa naging kaganapan ng pagkubkob sa Marawi City.
“People in Luzon and Visayas thought all the while it was our fault. They blamed us. They said, why at the time there was a peace process, then why did we kill those policemen? We did not, but we were forced,” ani Jaafar, “this time, we have the Marawi City siege. But the difference is that in the Marawi siege, we are not involved on a combatant basis. We are involved on humanitarian work from day 1, the MILF leadership started helping the civilians by distributing food. And number 2, we voluntarily presented a plan to our beloved president for the MILF to voluntarily help so that those civilians trapped in Marawi City will be able to come out, and we are still doing that. That is a big difference in the situation now and the situation before”.
BBL, Demokratiko
Kumpara pa rin sa dating draft ng BBL, “in terms of language in the BBL, you see, in today’s BBL crafted by the 21 commissioners, expanded from the previous 15 members, we saw to it that all important stakeholders in the peace process are represented in the provisions in the Bangsamoro Basic Law,” saad ni Jaafar.
“This is a truly democratic BBL,” aniya, binigyan ng puwang ang mga katutubong mamamayan, mga kristiyanong naninirahan sa lugar, mga tradisyonal na pinuno, kababaihan, kabataan, “before, we did not have this one. Even to the youth, to the women, even to the religious sector, to the ulama, they were given reserved seats there”.
“Besides, there is a provision in the BBL providing for a group advising, who will inform the chief minister, this council of elders, and in the council of elders, governors in the area will be members, indigenous peoples were represented, Christian settlers will be represented, the youth, the women, and so everybody will be a part of the governance”, ayon sa MILF leader.
Ayon naman kay MILF chair Murad Ebrahim, na ang bagong BBL draft ay sakop din ang mga concerns ng Moro National Liberation Front (MNLF) na pinamumunuan ni founding Chairman Nur Misuari.
Umaasa siya na ang nasabing bagong panukalang batas ay hindi haharap sa iba’t ibang kontrobersiya gaya ng nauna. Dito rin masusubok ang Kongreso kung paano nito pagsamahin ang pagsusulong sa MILF 2014 peace accord at ng 1996 MNLF peace agreement nito sa pamahalaan.
Gayunpaman, marami ang umaasa na tuluyang maipatutupad ng kasalukuyang administrasyon ang nasabing panukalang batas para sa mga kapatid na Moro, ani Duterte “May I say to you, my brother Moros, that I commit to support,” aniya, “and there will be no objections of the provisions, of all that is consistent with the Constitution and aspiration of the Moro people,” na bahagi ng pahayag sa ginanap na turnover ceremonies ng naturang bagong draft ng BBL sa Palasyo ng Malacañang.