Ni: Wally Peralta
Pinaghahandaan na nang husto ngayon ng TV-host actor Billy Crawford ang nalalapit na pagbubukas sa bagong chapter ng kanyang buhay kasama ang girlfriend at magiging kabiyak sa susunod na taon na si Coleen Garcia.
Matatandaang noong Disyembre nang nakaraang taon nag-proposed ng kasal si Billy kay Coleen na hindi naman tinanggihan ng actress.
Ayon pa kay Billy sa susunod na taon, 2018, sa buwan ng Agosto ang balak nilang pag-iisang dibdib ng girlfriend. Pareho umanong gusto nila ni Coleen ang beach wedding dahil mahilig sila sa beach. Isa sa kanilang pinagpipilian ang Balesin Island kung saan kinasal sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero noong Feb. 2016.
“We both love the beach but at the same time, we also both love the mountains, we both love gardens so it could be anywhere,” ani Billy.
Sampung taon ang agwat ng edad ng magkasintahan, 35 years old si Billy samantalang 25 naman si Coleen kaya handa na silang pasukin ang buhay na magkasama sa iisang bubong.
“Sa ulo, sa puso, sa mindset. Lahat-lahat handa pero alam naming dalawa na we have to do a lot of things prior to it like the pre-marital counseling para pagdating ‘dun sa time na talagang kinasal na kami, we want to live a happy marriage,” aniya pa.
Working with kids
Bago pa man ang kasalan blues, host ng “Little Big Shots” ng ABS CBN ngayon ang pinagkakaabalahan ni Billy kung saan kakaiba ito sa lahat ng kanyang ginawang hosting jobs, dito ay puro bagets at non-showbiz lahat ang kanyang magiging guests. Hindi lang basta bagets, kundi mga matatalino, bibo at very talented kids aging from 9 years old below.
“First time kong mag-host ng isang talent show na ako lang ang taga-showbiz, usually lahat big shots na ang kasama ko. Pero dito, you’d be surprised kung paano nadadala ng mga bata ang buong show, and I’m here to let their personalities shine. Ang masasabi ko lang, ang exceptional ng mga batang mapapanood niyo and they really deserve to be called little big shots,” say ni Billy.
“Kinalakihan ko na rin ang pagpe-perform at alam ko kung gaano kasaya ang magbigay aliw sa mga tao. Pero mas grabe ang mga bata dito sa ‘Little Big Shots,’ hindi niyo ie-expect ang mga kaya nilang gawin at ang talas pa ng isip at very charming,” dagdag kuwento ng aktor.
At ngayon nga nagsimula na siyang makipagkulitan sa mga talented bagets, aminado si Billy na inggit siya sa mga magulang ng mga batang ito. Feel din niyang magkaroon ng anak na super bibo at all-out support daw ang kanyang ibibigay sa magiging talent ng kaniyang magiging anak.
Kung si Billy nga lang daw ang masusunod, feel niya ang magkaroon ng anak na mahihilig sa sports, as in maging isang atleta.
Ayaw magka-anak agad
At dahil nga sa biglang nahilig sa mga bagets, may chance kaya na after ng kasal nila ni Coleen ay ‘baby’ na ang susunod nilang gagawin?
“Malabo pa yun. Not next year. Napag-usapan namin ni Coleen ang bagay na ito at tulad niya, hindi pa rin ako ready maging isang magulang.”
“Mas lalo ngayon nang makasama ko ang mga bagets at kanilang mga magulang sa show. Nakita ko kung gaano kahalaga ang oras na atensyon na ibibigay mo sa bata bilang magulang. Mahirap pala. And I have to be ready for that kung dumating na ang time na gusto na namin magbuo ng isang pamilya ni Coleen,” pagtatapos ni Billy.