Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na ang bird flu strain na nakita sa Pampanga ay naipapasa sa tao.
Ayon kay Bureau of Animal Industry Chief Dr. Arlene Vytiaco, nagpositibo sa H5N6 strain ang bird flu at naipapasa ito sa tao.
Pero mababang-mababa naman aniya ang transmission rate nito.
Mas mababa aniya ito sa nakaraang global outbreak na H1N1.
Wala pa namang Pilipino na nagpositibo sa H5N6 virus.
Nakikipag-ugnayan naman si Agriculture Secretary Manny Piñol sa Department of Health (DOH) para matiyak na hindi maaapektuhan ang mga poultry farmer mula San Luis, Pampanga at San Isidro at Jaen sa Nueva Ecija.
Sinabi rin ni Piñol na walang bakuna para sa virus dahil sa ngayon lang tumama ang nasabing strain.
Inaalam pa rin ng DA kung saan nanggaling ang naturang virus.