Sa England…
Nanawagan si Lord Neuberger, isang senior judge sa gobyerno ng Britanya na kinakailangang maglaan ng paglilinaw ang gobyerno kung paano aayusin ang UK Law matapos ang Brexit.
Sa kasalukuyan, kinakailangan pang desisyunan ng lehislatura na ginawa ng pinakamataas na korte sa UK, ang European Court of Justice.
Ani Neuberger, hindi umano masisisi ang mga hukom kung magkakaroon sila ng maling interpretasyon dahil hindi pa ito malinaw.
Matatandaang iginiit ni PM Theresa May na hindi dapat magkaroon ng hurisdiksyon ang European Court of Justice sa UK matapos umalis ng Britanya sa European Union.