PINAS

Bucks, planong maging title contender sa NBA

Nagbukas ng bagong training facility ang Milwaukee Bucks kasunod ng planong maging title contender sa nalalapit na season ng NBA.

Ayon kay Milwaukee Bucks general manager Jon Horst, pagtitibayin nito ang pundasyon ng buong kopunan na naghahanda para sa isang deep playoff run ngayong taon.

Sa nakaraang NBA season, nakamit ng bucks ang ikalawang playoffs appearance sa loob ng tatlong season.

Sa ilalim din ni coach Jason Kidd ay naitala ng Bucks ang pinakamaganda record sa loob ng pitong taon.

Tatangkain ng Bucks na makapasok sa Conference Finals ngayong taon kasama ang top tier player na si Giannis Antetokounmpo at Rookie of the Year Malcolm Brogdon.