PINAS

Chinese ships sa Pag-Asa Island, hindi dapat ikaalarma

Kinastigo ni Foreign affairs secretary Alan Peter Cayetano si Magdalo Partylist representative Gary Alejano kaugnay ng namataang Chinese ships malapit sa Pag-Asa Island.

Ani Cayetano, walang ibig sabihin ang presensya ng mga barko ng China sa Pag-Asa Island.

Dapat aniya ay ipinaalam ni Alejano sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang namataang mga barko kesa sa ialarma ang publiko.

Kasabay nito’y iginiit ni Cayetano na walang sitwasyon sa West Philippine Sea na magpapababa ng tiwala ng China at Pilipinas na parehong umaangkin sa teritoryo.

Una nang sinabi ng Malacañang na bineberipika pa ng DFA ang nasabing mga barko ng China.