PINAS

COMELEC, tuloy ang ballot printing sa kabila ng hirit na muling pagpapaliban ng  Brgy. at SK elections ngayong Oktubre

Pinas News

SA kabila ng panukalang pansamantalang pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong Oktubre, iginiit ng Commission on Elections o COMELEC na tuloy pa rin ang pag-imprenta ng balota na sisimulan sa ikalawang linggo ng Agosto at magtatapos hanggang Setyembre.

Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez bagama;t hindi din sila sigurado sa desisyon ng panukalang postponement pero tiniyak nito na may inisyal na silang paghahanda gamit ang alokasyon na pondo na nagkakahalaga ng 5 bilyong piso.

Sa pagataya ng COMELEC, posibleng abutin sa isang bilyong piso ang gastos ng ballot printing hanggang tuluyang ma-imprenta ang mga kinakailangan balota para sa eleksiyon.

Oras na maisabatas naman aniya ang pagpapapaliban ng eleksyon ay agad din naman nitong ititgil ang printing ng mga balota.

Samantala, naniniwala si Rep. Ace Barbers, bilang may akda ng panukalang postponement ng Brgy at SK elections na may sapat na suporta ang kamara at senado sa kaniyang mungkahi.

Layon nitoy mapigilan ang paglaganap ng iligal na droga sa bansa mula sa brgy. level kasabay ng maigting na kampanya ng gobyernong Duterte laban sa iligal na droga.

Habang wala pang desisyon ay gagawin ng COMELEC na bagalan ang pag-imprenta ng balota upang hindi naman daw masayang ang pondo.