Sa pag-aaral na lumabas sa Medicine and Science in Sports and Exercises, ang paglalakad ng kaunti ngunit matulin na ay mabuti rin sa kalusugan.
Ayon kay John Schuna mula sa National Health and Nutrition Examination Survey, magandang subukan ito ng 150 minuto kada-linggo at bawat minuto ay may 100 steps.
Pero aminado pa rin ito na mahirap matukoy kung nagagawa ang panuntunan ng physical activity sa pagbilang lang ng bawat hakbang.
Umaasa silang ang fitness trackers ay makagagawa sa hinaharap ng data na available kada minuto.
Matatandang ang 10,000 steps ay nagsimula sa Japan noong 1960 dahil sa pedometers na manpo-kei or “10,000 steps meter.”
Mula noon, sumikat na ito at sinubukan gayahin dahil sa naranasang health benefits ng ilan.