PINAS

Daniel Padilla, nilinaw na hindi siya galit kay Paul Salas

Nilinaw ng aktor na si Daniel Padilla na hindi siya galit kay Paul Salas matapos ang isyu sa pagitan nilang dalawa.

Una nang kumalat sa social media ang komento ni Paul sa nangyaring insidente sa pagitan nina Daniel at JC de Vera sa isang basketball event.

Ayon kay Daniel, nabastusan siya sa ginawa ni JC at tanging respeto ang nais niya mula rito bilang nakatatandang artista.

Samantala, nakiusap si Daniel sa kanyang fans na namba-bash kay Paul na tigilan na ito at mag-move on na lamang sa nangyari.

Hindi naman kinumpirma ni Daniel kung tuloy pa rin ang basketball match nila ni Paul.