Ni: Joyce P. Condat
Opisyal nang inanunsyo ng Uber ang bago nilang CEO na si Dara Khosrowshahi, CEO ng travel company na Expedia bilang kapalit ng dating chief executive nito na si Travis Kalanick. Nagbitiw si Kalanick nitong buwan ng Hunyo dahil sa mga mainit na alegasyon laban sa kanyang kalakaran.
“I am excited to welcome Dara Khosrowshahi as Uber’s next CEO,” ani Kalanick sa kanyang pahayag. “With a deep passion for team building, Dara grew Expedia into one of the world’s most successful travel and technology platforms. Casting a vote for the next chief executive of Uber was a big moment for me and I couldn’t be happier to pass the torch to such an inspiring leader,” dagdag pa niya.
Tumagal ng 12 taon ang pamumuno ni Khosrowshahi sa Expedia. Nahirang ang Expedia bilang pinakamalaking online travel agency sa US sa ilalim ng kaniyang pamumuno. Marami ang pumuri sa kaniyang pamamalakad sa pagkakaroon nito ng patas na pagpapasahod anuman ang kanilang kasarian. Isa rin siya sa mga umalma sa panukalang travel ban ni Trump.
Kasama rin sa mga pinagpiliang pumalit kay Kalanick sina Hewlett-Packard Enterprise CEO Meg Whitman at dating General Electric Co CEO Jeff Immelt. Nauna ng inihayag ng dalawa sa pamamagitan ng kanilang tweet ang kanilang pagtanggi sa pwestong inaalok.