• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Thursday - December 12, 2019

PINAS

Ang kahalagahan ng kaluluwa ng tao (Ikalimang bahagi)

Sonspeak

Recent News:

  • Pilipinas tunay na world class ang talento
  • Sino ang mananagot?  
  • Pangalan ng susunod na PNP chief, hintayin na lang – Malakanyang
  • Promulgation sa kasong Maguindanao Massacre, itinakda ng korte sa Disyembre a-19
  • Panibagong explosive device, natagpuan sa Maguindanao
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Internasyonal
  • Probinsyal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • Buhay
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • OFW
  • Opinyon
  • Lathalain
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

DepEd, inilatag ang paglalaanan ng pondo para 2018

August 15, 2017 by PINAS


Inilatag na ng Department of Budget and Management (DBM) ang kanilang plano kung saan at paano nila ilalaan ang pondo ng ahensya para sa susunod na taong 2018.

Sa press conference ng ahensya, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones, nasa P585.22-B ang budget nila para sa 2018, mas malaki ng 7.9 percent o kumpara sa P543.1-B na budget sa 2017.

P359.20-B o 61 percent ang ilalagay sa personnel services o  pangsahod sa mga teaching and non-teaching staff ng ahensya.

24 percent o P139.60-B naman ang inilaan sa capital outlay o pagbili ng mga gamit sa paaralan kasama na ang computers, libro, armchair at iba pang gamit ng mga estudyante sa elementarya at high school.

Habang 15 percent naman o P86.41-B ang ilalaan sa maintenance and other operating expenses na ibabayad sa bill ng kuryente at tubig sa mga school campuses.

Nasa central office pa rin ang makakatanggap ng pinakamalaking alokasyon na nasa P203.08-B, pangalawa ang Region 4-A na mabibigyan ng P44.52-B at ang panghuli naman ay ang Cordillera Administrative Region na mabibigyan ng P8.77-B.

Sa ngayon nasa 40 percent pa lamang sa kabuuang budget ng 2017 para ngayong taon ang nagagastos.

Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na magkaroon ng underspending sa pondo.

Sa kabila nito ay iginiit din ng DepEd na sa nakalipas na limang taon ay bumaba ang underspending rate.

Matatandaan na ang DepEd ang may pinakamalaking budget allocation sa gobyerno alin sunod na rin sa  batas.

Related posts:

  • 2018 National Budget: Saan nga ba mapupunta?
  • Mga estudyanteng mabibiyayaan ng free tuition, kailangang pumasa sa pagsusulit ng paaralan
  • Zero fund para sa CHR, mahigpit na inirekomenda ni Speaker Alvarez
  • DepEd: Balik Eskwela Program, simula na
  • BATA, SAFE KA BA?

Pambansa Slider Ticker DBM Department of Budget and Management DepEd education secretary Leonor Briones

Reader Interactions

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2019 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.