Aminado ang Department of Forein Affairs (DFA) na hindi sila umaasa na mapapagtibay ng mga foreign ministers ang Code of Conduct base sa framework na kanilang ieendorso sa pinagtatalunang teriroryo sa South China Sea.
Kung saan sa a-sais ng Agosto ay tatalakayin ito sa ASEAN ministesterial meeting na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC).
Sa isang press briefing ay sinabi ni acting DFA spokesperson Robespierre Bolivar na ang mga dokumentong ieendorso ng mga foreign ministers na dadalo para ASEAN ministerial meeting ay ang framewok ng Code of Conduct.
Aniya ang Code of Conduct ay nakabase sa framework kung saan outline lamang o headings ang nilalaman ng nasabing framework.
Ani Bolivar kapag naiendorso na ang framework doon pa lamang simulan ang mga diskusyon sa actual Code of Conduct at ang framework ang magiging basehan dito.
Dagdag pa ni Bolivar sa talakayan ng Code of Conduct, pagsisikapan ng ating delagasyon na maitulak ang usapin kung ano ang mahalaga para sa pambansang interest.