PINAS

Duterte Administration, bukas sa joint venture sa West Philippine Sea

NANANATILING bukas ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakaroon ng joint venture sa ibang bansa kaugnay sa oil exploration sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, hindi nagsasara ng pintuan ang pangulo na makipag-usap sa mga foreign entities sa pagkakaroon ng joint venture.

Gayunpaman, sinabi din ni Abella na mahalaga na matiyak na hindi makalalabag sa Saligang Batas ang pagkakaroon ng ganitong klaseng venture.

Mangingibabaw aniya ang interes ng mga Pilipino ganitong kapag pumasok ang Pilpinas sa isang joint venture sa ibang bansa.