Ni: Hannah Jane Sancho
Balak paimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on Human Rights (CHR).
Ito ay babala ng pangulo sa CHR sa isang speech matapos pinuna ang umano’y madalas na pagpanig sa mga suspek ng krimen.
Binigyang diin ng chief executive na mistulang pinipili lang ng CHR ang nais nitong imbestigahan na siyang papabor sa mga napapatay na suspek.
Kinuwestiyon ng Pangulong Duterte ang kawalan ng aksyon at pananahimik ng CHR kapag ang mga inosenteng sibilyan ang nabibiktima ng mga kriminal.
Magugunita na minasaker ang buong pamilya ng isang security guard sa Bulacan nitong nakaraang buwan kung saan ang mga pangunahing suspek ay mga drug users.
Ang naturang krimen ay umani ng atensyon sa media at buong bansa ngunit hindi man lamang inaksyunan ng CHR.