Bahagyang lumago ang ekonomiya ng bansa sa ikalawang kwarter ng taon.
Naitala ang 6.5 percent gross domestic product growth ngayong ikalawang kwarter – mas mabilis kumpara sa 6.4 percent gdp growth sa unang bahagi ng taon.
Pinakamalaking sektor pa rin na sanhi ng paglago ng ekonomiya ang services sector.
Ayon kay Socioeconomic planning secretary Ernesto Pernia, nananatili pa rin ang pilipinas na isa sa “best performing economies” sa Asya.
Wala naman aniyang dapat ikabahala sa patuloy na pagsadsad ng piso kontra dolyar.