Sa France…
Halos isang buwang gulang na ngayong araw ang kauna-unahang baby panda na ipinanganak sa France, at nasa maingat na pangangalaga ng mga zookeeper ng Beauval Zoo.
Hindi pa maaaring makita ang baby panda ng personal hangga’t hindi pa ito umaabot sa tatlong buwan at mabalutan na ito ng mga balahibo.
Matatandaang ipinanganak ang baby panda ng may kakambal ngunit namatay ito.