Sa Franceā¦
Sinuportahan ng parliyamento ng France ang bagong batas kung saan lilinisin ang hanay ng pulitika bilang kampanya ni President Macron na alisin ang mga eskandalo ng pekeng trabaho sa gobyerno.
Hindi na umano maaari na mag-employ pa ang mga pulitiko ng mga kaanak nito at bigyan ang mga ito ng trabaho sa gobyerno.
Humigit-kumulang apatnaraan na mga mambabatas ang sumuporta rito kung saan inaalisan rin ang mga ito ng kapangyarihan na magkaroon ng cash na pondo para sa mga lugar at non-government offices na hinahawakan nila.