INAASAHANG makukumpleto na ngayong linggo ang gabay sa implementasyon ng overseas Filipino worker (OFW) identification card, ayon kay Sec. Silvestre Bello III, kalihim ng Department of Labor and Employment.

Main navigation

Matatandaang noong ika-12 nitong Hulyo inilunsad ng DOLE ang iDOLE, isang OFW ID na papalit sa overseas employment certificate (OEC). Ilan sa mga inaasahang laman ng gabay nito ay ang detalyadong FAQs katulad ng kung saan ito makukuha at kung sino ang magbabayad ng mga gastusin sa pagpoproseso nito. Samantala, sinigurado naman ng kalihim na ang mga ahensya at empleyado ang mag-iingat sa gastusin nito. “I’ll take this occasion to state categorically that the OFWs will not pay a single centavo for this ID. This is for free,” ani ng kalihim. Plano rin ng kalihim na gawin itong ‘emergency passport’, parktikular sa mga OFW na kinukumpiska ng mga amo ang passports. Gayunpaman, isinasaayos pa ito kasama ng Department of Foreign Affairs. Nais din niyang kanselahin sa katapusan ng buwan ang Pre-Departure Orientation Seminars (PDOS), para sa mga unang beses na OFWs. Bagkus, balak niya itong gawing atas sa mga recruitement agencies. Dagdag pa niya, hindi rin maaaring singilin ng mga recruiter ang OFW applicants kahit na sila ang magsasagawa ng PDOS. “What can you teach them in six hours? These OFWs are just too excited to leave, wala sa focus nila yung tinuturo niyo diyan,” ayon kay Bello. Kasama sa mga paksang tatalakayin sa seminar na ito ay ang pagkakaiba-iba ng kultura sa ibang bansa, dapat at hindi gawin sa ibang bansa, tips pangkalusugan at kaligtasan, mga serbisyo ng gobyerno, karapatan at responsibilidad ng isang OFW. Diin pa ng kalihim “if you want to train them…do it before they are qualified to be deployed. Responsibility yan ng agency, bago mo ideploy yung OFW, dapat na-train na…So I will do away with that.” Samantala, habang buhay naman ang bisa ng OFW ID na ito kahit na retirado na mula sa buhay OFW ang mga may-ari nito, ayon kay Bello.