PINAS

Gilas Pilipinas, big win laban sa defending champion China sa FIBA Asia Cup

Nasungkit ng National basketball team Gilas Pilipinas ang unang panalo matapos na masilat ang defending champion na China sa unang laro sa iskor na 96-87 sa ginaganap na FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon.

Mula sa first quarter hanggang sa fourth quarter ay abanse ang Gilas at sa huling bahagi na nakahabol ang China.

Pero bumida sa huling tatlong minuto si Terrence Romeo upang isalba ang Pilipinas mula sa powerhouse team.

Sa last quarter, maraming mga fans ang kinabahan dahil dumating sa punto na umabanse pa ng tatlong puntos ang China.

Sa last 12 points ng Gilas, walo rito ay mula kay Romeo.

Nagtapos si Romeo ng 26 big points, 4 assists at nagawang maipasok ang limang 3 point shots mula sa pitong attempts.

Nag-ambag din ng puwersa sina Japeth Aguilar at Raymond Almazan kahit pa mga higante ang karibal na players.

 

PHOTO COURTESY: FIBA, SPORTS5P