PINAS

Gilas Pilipinas, bigong makausad sa semifinals ng FIBA Asia Cup 2017   

Bigo ang Gilas Pilipinas na makausad sa FIBA Asia Cup 2017 matapos na talunin ng South Korea sa iskor na 118-86.

Naging masaklap ang pagkatalo ng Gilas matapos ang kanilang magandang performance sa unang tatlong laban.

Hindi naging sapat ang mahigpit na depensa ng koponan para mapigilan ang paghataw ng South Korea.

Sunod na makakalaban ng Gilas para sa classification round para sa position 5 to 8 ang magwawagi sa knockout match ng Iran at Lebanon sa Sabado.