Nagbabala ng suspensyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Grab Philippines.
Ito ay matapos mabalitaan ng LTFRB ang labis na paniningil sa pamasahe ng Grab.
Sinabi ni LTFRB Chair Martin Delgra sa isang press briefing na nakarating sa kanya ang report an nagtaas ng pamasahe ang grab matapos masuspinde ang operasyon ng Uber kamakailan.
Paliwanag ni Delgra na na kasalukuyan nilang tinututukan ang Grab ngayon kasunod na rin ng mga reports na kanilang natatanggap.
Sinabi din ni Delgra, na una nang nagtakda ng price cap ang Grab sa kanilang singil sa pamasahe na inaprubahan ng LTFRB noong Disyembre 27, 2016 at hanggang ngayon ay hindi ito nagbabago.
Sa price cap na inaprubahan ay hindi dapat lalagpas sa dobleng halaga ng basic fare ang singilin ng Grab sa kanilang pasahero.
Babala ng LTFRB na kapag patuloy aniya silang nakatanggap ng mga report kaugnay sa masyadong mataas na singil ng Grab, hindi aniya magdadalawang isip ang ahensiya na patawan ito ng parusa tulad ng pagsuspinde sa operasyon o kaya ay pagmumulta.