PINAS

Halos 400 bangkay, narekober sa mudslide sa Sierra Leone, Africa

Sa Kanlurang Africa…

Halos apatnaraang katawan umano ang narekober sa nangyaring mudslide sa Sierra Leone.

Tinataya namang isang dosenang bahay ang nalubog dahil sa pagguho sa gilid ng bundok.

Hinimok naman ni President Koroma ng Sierra Leone ang mga residente ng apektadong lugar na lisanin na ang mga lugar upang maging madali ang paghahanap ng mga rescue workers sa mga maaaring survivor ng pagguho.

Ayon sa mga otoridad, daan-daan pa umanong residente ang nawawala at patuloy na hinahanap.