PINAS

Heart Evangelista, pahinga muna sa showbiz next year

Magpapahinga muna si Heart Evangelista sa showbiz sa susunod na taon.

Ayon sa aktres, plano na kasi nila ng asawang si senador Chiz Escudero na magka-baby next year.

Sa ngayon ay tatapusin muna daw ni Heart ang bago niyang show sa GMA primetime bago magpahinga simula January 2018 hanggang sa matupad ang pangarap nilang mag-asawa na magkaanak.

February 2015 nang ikinasal sina Heart at Chiz.