PINAS

Ika-limang death anniversary ni Jesse Robredo ipinagdiwang, museo nito binuksan

Bilang pagdiriwang sa ika-limang death anniversary ni former DILG Sec. Jesse Robredo, isang museum naman ang binuksan bilang dedikasyon rito.

Pinangunahan ng National Historical Commission at kanyang asawa na si VP Leni Robredo ang inagurasyon nito.

Ang museum ay tinawag na Museo ni Robredo na matatagpuan sa Naga Civic Center.

Ito ay naglalaman ng apat na galleries na kakikitaan ng mga personal na gamit at istorya na naka-display at may mga interactive features.