PINAS

Imbestigasyon ng PNP sa drug ops sa Bulacan, suportado ng Malakanyang

Walang nakikitang masama ang Malakanyang sa ikinasang imbestigasyon ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa dalawampu’t anim na simultaneous drug operations sa Bulacan na nagresulta ng pagkasawi ng dalawampu’t isang suspect.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, itinaon one time bigtime drug operations sa 439th Foundation Day ng Bulacan.

Una nang sinabi ng PNP na nanlaban ang mga nasawi sa operations ngunit pinuna naman ng mga kritiko na ito na ang may pinakamataas na insidente ng marami ang nasawi sa loob ng isang araw.

Paliwanag naman ng PNP na ‘normal’ lang ang bilang dahil nasawi ang 21 suspect sa 26 na operasyon sa lalawigan at hindi sa iisang drug ops.

Napaulat na nasabat ng mga otoridad ang may 21 armas, mahigit 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng kalahating milyon piso sa nasabing drug operations.