PINAS

Immune cells, may koneksyon sa pagbabalik ng breast cancer

Sa bagong pagsusuri ng mga eksperto lumabas na maaari mong malaman kung babalik pa ang iyong breast cancer.

Ito ay ang paghahanap ng immune cell o hotspot sa palibot ng iyong bukol.

Ayonsa pagsusuri, ang mga babaeng mayroong malaking bilang ng immune cells sa palibot ng mga bukol na ito ay mas madali ang pagbabalik ng breast cancer matapos ang sampung taon na paggagamot rito.

80 porsyento sa mga kababaihang naggagamot ay nagiging maayos pagkatapos pero karamihan rin sa mga ito ay maaaring mamatay kapag bumalik.

Ayon sa isa sa mga lead scientist na si Dr. Yinyin Yuan, nag-develop umano sila ng bago at automated na computer tool na maaaring mag-assess sa mga pagbabalik ng mga cancer cells na ito.

Ayon naman kay Professor Paul Workman, chief executive ng Institute of Cancer Research, ang pag-aaral na ito ay nagsasabing ang immune system natin ay may malaking parte kung paano magreresponse ang breast cancer sa hormone treatment.

Dagdag pa ng mga eksperto, maaari pa rin umano magbago ang kaalamang ito sa mga susunod na mga pagsusuri base sa paggagamot na i-aadapt ng mga pasyente.