PINAS

Inflation rate, nanatili sa 2.8%

Nanatili sa 2.8 percent ang inflation rate nitong nakaraan buwan ng Hulyo.

Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nasa 2.8 percent pa rin ang inflation rate gaya noong Hunyo.

Naabot nito ang inaasahan ng mga eksperto.

Noong Marso at Abril ay umabot sa 3.4 percent ang inflation rate pero bumaba na rin dahil sa mas mababang presyo ng mga produktong petrolyo.