PINAS

Julia Barretto at Joshua Garcia, aminadong may feelings sa isa’t isa

Inamin ni Julia Barretto na may feelings rin siya para sa ka-loveteam na si Joshua Garcia.

Sa presscon ng kanilang bagong pelikula na “Love You to the Stars and Back”, kinumpirma ni Joshua na nanliligaw nga siya sa dalaga.

Nang tanungin kung may pag-asa naman sa kaniya si Joshua, sinabi ni Julia na the feeling is mutual.

Gayunman, nilinaw ng young actress na hindi nila minamadali ang mga bagay-bagay.