PINAS

Kim Jong Un, nainspeksyon na ang planong missile attack sa Guam

Sa North Korea…

Nainspeksyon na ni North Korean leader Kim Jong Un ang planong missile attack ng kanilang bansa sa Guam.

Pero ayon sa mga ulat, titingnan muna ni Kim ang aksyon ng Amerika bago magdesisyon kung aatakihin ba ang Guam.

Noong nakaraang linggo ay sinabi ng Pyongyang na apat na missiles ang kanilang ipapatama sa Guam sa gitna ng word war sa pagitan ng US at NoKor.