Sa Saudi Arabia…
Pumayag si King Salman na magkaroon ng Hajj ngayong taon sa Saudi Arabia ang libo-libong pamilya ng Egyptian security forces na inialay ang kanilang buhay upang depensahan ang kanilang bansa.
Ayon kay Ambassador Qattan nagbigay umano ng instructions si King Salman sa mga concerned agencies na magkaroon ng proseso at tamang arrangement upang makapaglunsad ng tahimik at matagumpay na Hajj ang mga manlalakbay na taga-Ehipto.
Ang paghahanda na ito ay bilang pasasalamat ni King Salman sa mga pamilya ng martir na taga-Ehipto na isinakripisyo ang kanilang buhay upang maging sundalo ng kanilang bansa.