Number eleven jersey ang isusuot ng bagong Boston Celtics point guard na si Kyrie Irving matapos itong i-trade bilang kapalit ni Isaiah Thomas.
Ayon sa Celtics, niretiro na nila ang mga numerong sinuot ni Irving noong kolehiyo at sa Cleveland Cavaliers.
Number two jersey ang suot ni Irving sa Cavs na niretiro na ng Celtics para sa kanilang dating coach at general manager na si Red Auerbach.
Habang ang number one jersey naman na sinuot ni Irving sa Duke ay niretiro na rin ng Celtics para sa kanilang founder at original owner na si Walter Brown.
Sunod na ireretiro ng Celtics ang number 34 ni Paul Pierce.