PINAS

Labingwalong crate ng illegal drugs na nailusot sa BOC, pinangangambahang naipakalat na sa merkado

Aabot pa sa dalawampu’t dalawang bilyong piso na halaga ng shabu ang ipinapahanap ngayon ng kamara sa mga otoridad na pinangangambahang naipakalat na ito sa merkado matapos na masamsam ang limang crate ng illegal drug shipment mula sa 23 crate na naipalusot sa Bureau of Customs (BOC).

Batay sa dokumentong hawak ng BOC, hindi lang limang crate o container ang nakalista sa kanilang tanggapan kundi nasa 23 sa kabuuan.

Dahil dito, inaasahang muling ipapatawag ng house committee on dangerous drugs at ng committee on ways and means ang mga ilang komisyoner ng BOC at iba pang pangunahing personalidad na may kaugnayan sa nasabing anomalya.

Ayon sa pagpapatuloy ng pagdinig ng kamara, mahigit sa dalawang tonelada pa ang napakawalan ng BOC na apat na beses ang doble ng halagang naiwan sa BOC na 6.4 bilyong pisong na shabu mula China.