PINAS

Litrato ng pulong nina Duterte at Mrs. Bautista, inilabas

Inilabas ng kampo ng asawa ni Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista na si Patricia Bautista ang mga litrato ng pakikipagpulong nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Naganap ang pulong noong Hulyo a-bente sais – dalawang araw matapos ang State of the Nation Address (SONA).

Sa nasabing mga litrato, kasama ni Bautista ang kanyang mga abogado na nakipag-usap sa pangulo.

Una nang kinumpirma ni Duterte ang pakikipagpulong ni Bautista.

Ayon sa pangulo, gusto nilang ipaalam ang pagsasampa ng kaso dahil sa makukwestyon ang integridad ng eleksyon.

Una na ring ipinaliwanag ni Gng. Bautista na kailangan nilang magpunta sa isang taong hindi maka-corrupt.

Itinanggi rin ng kampo ni Bautista na nagsilbing broker sa naturang pulong ay ang mag-asawang Ferdinand at Liza Marcos.