PINAS

LTFRB, pinatitiyak sa Uber na hindi ipapasa sa kanilang mga pasahero ang P190-M na multa

Pinatitiyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Uber na hindi ipapasa sa kanilang mga pasahero ang malaking halaga na nawala sa kanilang kita matapos magmulta ng isandaang at siyamnapung milyong piso.

Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, maaring manipulahin ng Uber ang “algorithm” ng kanilang application tulad ng kakayahan nito na magdagdag sa binabayarang pasahe ng kanilang mga pasahero.

Umaasa ang ahensya na pantay at maayos ang gagawing pagtrato ng Uber sa kanilang mga pasahero.

Inalis na ng LTFRB kahapon ang ipinataw na isang buwan na suspensyon sa Uber matapos magbayad ng multa ang mga ito.