Ni: Jun Samson
Nagbitiw na sa pwesto ang isa sa mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na nakakaladkad sa isyu ng payla na magbitiw sa pwesto.
Ito ay si import assessment service Milo Maestrecampo na pingalanan ng customs broker na si Mark Taguba na umano’y tumatanggap ng suhol para maiproseso ang kanyonaang shipment.
Sa isang pahinang liham na naka-address kay Pangulong Rodrigo Duterte at may petsang August 8, 2017, sinabi ni Maestrecampo na para maipaglaban niya ang kanyang integridad at sa ngalan na rin ng delikadesa, minarapat niyang magbitiw na lamang sa pwesto.
Gayunman, hindi naman irrevocable ang ihahaing resignation ni Maestrecampo.
Kasabay nito, sinabi rin ni Maestrecampo na handa rin siyang makipagtulungan sa imbestigasyon para linisin ang kanyang pangalan.
Sa kanyang liham, iginiit ni Maestrecampo na nabanggit lamang ni Taguba ang kanyang pangalan dahil nabanggit ang ias na kanyang pinamumunuan.
Pero nilinaw naman aniya kalaunan ni Taguba sa pagtatanong sa kanya nina Congressmen Miro Quimbo at Robert “Ace” Barbers na hindi siya nito inabutan ng kahit magkanong payola money at hindi siya nito kilala.
Gayunman, masyado na umanong huli ang paglilinaw ni Taguba dahil nakuha na ng media ang nauna nitong pagbanggit sa kanyang pangalan.