Kinumpirma ni Maja Salvador na may dine-date siya ngayon na isang non-showbiz guy.
Bagama’t hindi tinukoy ni Maja kung sino ang lalaking malapit ngayon sa kaniyang puso ay lumitaw naman ang isang pangalan ng isang Jack Cruz na sinasabing madalas ka-date ng aktres.
Pinabulaanan naman ni Maja ang bali-balitang hindi siya tanggap ng pamilya ng lalaki.
Sa katunayan, ayon sa aktres, ay parang part na rin siya ng family ni non-showbiz guy dahil mula high school pa sila nito magkaibigan.