• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Friday - December 13, 2019

PINAS

Ang kahalagahan ng kaluluwa ng tao (Ikalimang bahagi)

Sonspeak

Recent News:

  • Pilipinas tunay na world class ang talento
  • Sino ang mananagot?  
  • Pangalan ng susunod na PNP chief, hintayin na lang – Malakanyang
  • Promulgation sa kasong Maguindanao Massacre, itinakda ng korte sa Disyembre a-19
  • Panibagong explosive device, natagpuan sa Maguindanao
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Internasyonal
  • Probinsyal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • Buhay
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • OFW
  • Opinyon
  • Lathalain
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Maling sukat ng sapatos, may negatibong epekto sa paa

August 3, 2017 by PINAS


Alam nyo ba na may epekto sa ating mga paa kapag hindi mo sukat ang iyong sapatos?

Ang pagsuot ng tamang sukat ng sapatos ay makatu­tulong sa pag-alaga ng ating paa, tuhod at balakang. Mapapanatili nito ang tamang porma at hugis ng ating paa. Heto ang kumplikasyon ng pagsuot ng maliit at malaking sapatos lalo na sa mga bata.

 

Problema sa maliit na sapatos: 

1. Puwedeng mapilay o masugatan ang paa. Sa katagalan, puwedeng mag-blister, magkalyo at tumabingi ang paa ng bata. Kadalasan ay ang mga daliri ng paa ay tatabingi paloob.

 2. Puwedeng magkaroon ng ingrown toenail at magka-impeksyon. Madalas din magkaroon ng alipunga sa paa dahil laging mainit at basa ang paa sa loob ng masikip na sapatos. 

3. Puwedeng mapigilan ang paglaki ng paa. Sa China, may lumang kaugalian na tinatali ang paa ng mga babaing sanggol para hindi ito lumaki. Masama po ito. Tandaan natin na lumalaki pa ang mga paa ng bata at puwede siyang mahirapan maglakad sa ibang araw.

 4. Sasakit ang talampakan kapag masikip ang sapatos. Kikirot din ang bukong-bukong (ankles) at achilles heels. 

5. Sa may edad at may diabetes, delikado ang masikip na sapatos. Puwedeng mag-umpisa ang sugat sa paa na hindi gumagaling.

 

Problema sa malaking sapatos: 

1. Madaling madapa ang bata. Ito’y dahil kulang ang kapit ng sapatos sa paa ng bata. 

2. Puwedeng magkakalyo ang paa dahil sa pagkikiskis ng paa sa loob ng maluwag na sapatos.

 3. Maiiba ang posture dahil babaguhin ang paglakad para hindi mahubad ang sapatos. 

4. Maaaring tuksuhin ng kaklase dahil malaki ang sapatos. 

5. Madaling masira ang malaking sapatos dahil tumatabingi ito agad. 

 

Tandaan: Piliin lamang ang tamang sukat ng sapatos. Puwede ang mas maluwag ng kaunti dahil lumalaki pa ang paa ng bata. Huwag bumili ng sapatos na may mataas na takong. Piliin din iyong may sapat na kutson sa suwelas para maproteksyunan ang paa.

Related posts:

  • Makulay ang buhay sa mundo ng COSPLAY
  • Ang hiwagang nagagawa ng Apple Cider Vinegar
  • Mga dapat tandaan sa pagpili ng salamin sa mata
  • Mga magandang epekto ng maskara sa mata
  • Tips sa tamang pag-aalaga ng ngipin

Lifestyle Slider Ticker sapatos

Reader Interactions

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2019 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.