PINAS

Mga estudyanteng mabibiyayaan ng free tuition, kailangang pumasa sa pagsusulit ng paaralan

Ni: Jannette Africano

“Walang forever na student sa batas na ito”.

Ito ang naging pahayag ni Sen. Ralph Recto kasunod ng pagsasabatas ng libreng tution fee.

Ayon kay Recto, hindi maaaring maka-aavail ng estudyanteng pabalik-balik sa kursong kinuha dahil hindi makapasa.

Dapat aniya ang mga estudyanteng makaka-avail ng libreng tuition fee ay ang mga karapat-dapat na pumasa sa mga exam na ipatutupad ng paaralan bago makapasok sa paaralan.

Maging si Department of Budget and Management (DBM) secretary Benjamin Diokno ay sinusugan ang pahayag na ito ni Sen. Recto na dapat ay makapasa sa pagsusulit ang isang estudyante bago maka-avail ng libreng tuition fee.

Ayon pa kay Diokno, pagsusumikapan nila na matapos ang Implementing Rules and Regulations (IRR) sa loob ng labinlimang araw katuwang ang Commission on Higher Education (CHED).