Pinasuot ng isang bed and breakfast inn owner sa Scotland ng high-visibility vests upang mapuna ng mga taong naglalakbay ang mga galang manok habang tumatawid ang mga ito sa mga kalsada.
Sinabi ni Louise Lennox, may-ari ng Perthsire Bed and Breakfast, may ilang alaga itong manok na gumagala palabas ng kanyang bakuran kaya upang maprotektahan ang mga ito sa mga dumaraang sasakyan, ay naisip niya itong suotan ng high-visibility vests.
Dinikit din ni Lennox ang pariralang “Glenshielling House Girl” sa mga vests upang maikalat ang negosyo nito na bed and breakfast inn at ipapabatid sa mga tao kung saan maaaring isauli ang mga manok sakali mang mapagala ang mga ito sa malayo.