Inilibing na ang mga napatay na Parojinog sa naganap na raid sa Ozamiz City.
Dumalo sa funeral mass na ginanap sa Immaculate Concepcion Cathedral ang mga kamag-anak ng Parojinog at mga taga-suporta na nakasuot ng puti at itim na damit na humihingi ng hustisya para sa pamilya Parojinog.
Inihimlay ang labi ni Mayor Reynaldo Parojinog, Sr., asawa nito at dalawang kapatid sa Mount Malindang Memorial Park sa Ozamiz City.
Samantala, hindi naman nakadalo sa libing ang magkapatid na sina Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog at Reynaldo Parojinog, Jr.