Sa Dubai…
Nagbabala ang mga opisyal na magbabayad ng 2000 dirhams ang mga negosyante sa cattle market roon at iba pang meat shop kung magkakaroon ang mga ito ng iligal na pagkakatay ng mga hayop sa panahon ng Eid’l Adha.
Isang joint team ang binuo ng Asset Management Department at Dubai police upang bantayan ang mga mag-ooffer ng umano’y hindi otorisadong pagkakatay ng mga hayop.
Mayroon na rin itong inilunsad na social media campaign upang buksan ang kamalayan sa mga masamang epekto ng iligal na pagkakatay sa mga kalsada.