Ni: Shane Elaiza Asidao
Marami sa atin ang hilig kumain. Minsan, hindi natin namamalayang nakakasama na ang ating mga kinakain. Ilan sa mga ito ang nakakasama sa ating Gallbladder o Apdo.
Ang apdo ay isang hugis peras na organ. Kinokolekta at iniimbak nito ang mga bile na nakakatulong upang tumunaw ng taba.
Gallstones ang karaniwang problema sa Apdo.
Ayon sa Webmd, puwedeng panggalingan ng abdominal pain, bloating, masamang pakiramdam at pagsusuka. Kapag ang sintomas ay napapadalas o pabalik-balik, ang pinaka mabisang lunas ay operasyon para alisin ang mismong Apdo. Ngunit kahit walang sintomas ng sakit, hindi natin malalaman kung nangangailangan na ito ng agarang lunas.
Maaaring namamana ang sakit sa Apdo. Gayunpaman, ang karaniwan na nagkakaroon ng gallstones ay ang mga babae na nasa edad 40 pataas kasama na rin ang mga babae na mabilis magpapayat, umiinom ng hormonal medicines, o kahit ang mga babaing may malusog na pangangatawan. May tsansa rin na tamaan ng sakit sa Apdo ang kalalakihan.
Ilan sa mga pagkain na ito ang dapat limitahan para maka-iwas sa gallstones:
- Piniritong pagkain
- Mga prinoseso na pagkain (doughnuts, pie, cookies)
- Whole-milk dairy products (keso, sorbetes, mantikilya)
- Mga karne na may taba
Samahan din ito ng healthy diet at regular exercise.
Hindi man natin alam kung kailan tayo dadapuan ng sakit, mas maigi na maging handa at patuloy na alagaan ang sarili. Dahil ang kalusugan ay kayamanan.