Kumain ng whole grain at slow burning foods tulad ng kanin para ikaw ay busog at produktibo uminom ng tubig or fruit juice.
Maganda ito para mailabas ang lason sa katawan, mabawasan ang pananakit ng ulo, makapag-isip ng maayos at maging normal ang temperatura ng katawan dahil kapag nauuhaw ang tao, dito papasok ang pagka-dehydrate.
Pero ang pagkain ng madami ay nagbibigay naman ng mas maraming calories kaya ikaw ay makakaramdam ng pagkatamad, pagkapagod kaya kumain ng sapat lang.
Mag-ehersisyo sa pamamagitan ng paglakad, paggamit ng hagdanan, pagstretch bago at pagkatapos ng breaks maganda ito para mabawasan ang calories at makatulog ng maganda.
Magrelax; subukan magpahinga ng kada limang minuto, maganda rin i-masahe mo or tapikin ang likod para marelax ang muscle iwasang direktang malamigan ang batok, balikat, kasu-kasuan para maiwasan ang pagbara sa sirkulasyon ng dugo na magsasanhi ng pananakit ng katawan.
Ang poor posture naman ay nagdudulot ng pananakit ng batok at likod kaya subukan ang chin restraction para marelax ang muscle at maitama ang posture.
Ang sit-stand naman ay nakakatulong sa empleyado na mapalitan ang 25% na oras ng pag-upo sa pamamagitan ng pagtayo na maganda para gumanda ang pakiramdam, mabawasan ang fatigue at pagkagutom.