NI: JANNETTE T. AFRICANO
Nagmartsa ang mahigit isang libong mamamayan mula sa labing isang barangay sa loob ng Hacienda Luisita sa ilalim ng temang kapayapaan, kaunlaran, pagkakaisa at trabaho.
Kabilang sa mga lumahok sa isinagawang peace caravan ay ang mga barangay officials, mga kinatawan ng iba’t ibang sector gaya ng mga sector ng kababaihan, kabataan at non-government organization (NGO).
Nanawagan ang mga residente ng Hacienda Luisita na bigyang wakas ang karahasan sa kanilang lugar.
Ayon kay Brgy. Capt Edgar Sumat ang president ng Association of Barangay Captains sa Hacienda Luisita, nais nila ang mas pinaraming oportunidad sa trabaho, kasaganaan at kapayapaan sa kanilang lugar.
Mayroon kasi umanong mga grupo ng komunista sa kanilang lugar ang nais mang-agaw ng lupang ipinamahagai nan g pamahalaan base na rin sa kaugtusan ng Korte Suprema.
Kaya naman sa isinagawang peace caravan ay nakilahok ang ilang opisyal ng Tarlac City gaya ni Vice Mayor Aro Mendoza.
Ayon kay Mendoza, nais ng kanilang lokal na pamhalaan sa Tarlac na magkaroon ng kapayapaan sa kanilang bayan at maresolba sa pamamagitan ng isang mabuting dayalogo.
Sa huli ay nagkaroon ng manifesto ang lahat ng mga brgy. officials at residente ng Hacienda Luisita at kinukondena ang ilang grupong nagnanais na mang-agaw ng lupang inilaan ng pamahalaan para sa kanila.